Yes, not only did they redesigned the Gov.Ph, they also launched a new website for the president.
Office of the President of the Philippines Website
Go check out the new Gov.Ph website here and the new Office of the President website here
Updated:
No related posts.
Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.
yung pong pagpapa-alis ng tourist papunta dito sa malaysia, mahigpit na po sa NAIA at clark kaya lumilipat naman sa Cebu at Zamboanga… isama na rin po sana yung mga umaalis thru invitation, lalo na if hindi family ang nag-invite, dahil front lang ng iba ang invitation.
maraming salamat po at mabuhay kayo.
yung iba nga po pala, ginagamit din na daanan ang singapore, then pumapasok dito sa Malaysia…
Salamat po uli, sana maayos po ang lahat ngayon sa pamumuno nyo.
mr. president sana wag nyo na po ituloy ang k-12. maari nga o nito pong mataas ang kaalaman ng mga mamamayan at hindi mahihirap dahi; hindi kakayanin ng mga ahihirap ang malaki at dadagdagan pang gastusin. dapat po sana ay ayusin po muna ang problema sa kakulangan ng teacher at pasilidad sa mga eskwelahan. sana rin po ay makapagaral ang mga bata sa kalye. sana po ay makarating sa inyo to.
gandang gabi po mr. president
bakit poh ganun po ang bago chairman ng department of budget and management,ako po ay contructual ng isa sa ahensya ng gobyerno,matapat naman po namin pinaglilingkuran ang ahensya ito.nais kulang po idulong sanyo tanggapan na kung maaari po ay paswelduhin na kame 1 buwan na po kame hindi pinapasweldo dahil po sa ayaw daw po magbigay ang DBM ng cash para sa sahud namin,isa po ito sa dahilan ang karamihan ay gusto magtrabaho sa private agency oh pumunta sa iba bansa sana po gawan nyo naman poh ng aksiyon…marami salamat po
Mr. President,
Isa po akong concern resident dito sa Riverside Bilar Bohol. Kung inyo po mapagbigyan ang aming hinaing na ipa investigate or lifestyle check ang aming punong barangay dito it would be great. Kahinahinala na po ang istado ng kanyang pamumuhay ngayon compare dati na di pa nanungkulan sa aming lugar. At pansin na po ng karamihan na walang improvement ang aming barangay. Maraming Salamat.
mr.president sana po tumaas pa po ang sweldo ng mga guro ng di na kailangan pang mag-loan…o magibang bansa pa…..sana matulungan ninyo ang mga modern heroes at unsung heroes tulad ng mga guro………..
Good Evening po Mr. President. Humihingi po sana ako ng tulong regarding sa sister ko na nasa Dubai. Physically injured po siya dahil tumalon siya sa building ng agencing kumulong sa kanya sa 3rd floor at sa ngayon po halos hindi na siya makalakad sa sobrang pamamaga ng paa niya. Sana po ay matulungan niyo siyang makabalik dito sa Pilipinas. Wala po siyang tinutuluyan sa Dubai halos po pagala gala lang siya sa kalye sa Dubai. Tulungan niyo po sana ang kapatid ko at wag niyo po sanang ipagwalang bahala ito. Maraming salamat po!
Sana po matulungan niyo kaming makabalik dito sa amin ang kapatid ko bago po mahuli ang lahat. Maraming maraming salamat po.
Just wanna go straight to the point. Why are BIR employees are being relocated in different regions to different provinces without relocation allowances and salary increase. A friend of mine is relocated in San Fernando, La Union where he is originally from Baguio City. San Fernando La Union is 2 hour drive from Baguio City. I am just concerned in his health that he need to wake up as early as 5am and need to travel from a very zigzag road of Naguilian road going to San Fernando, La Union. Everyday for him is a risk and this is not only happening to him but also to the other employees of BIR. He can’t afford to rent an apartment or room because his salary is to low. His family is in Baguio City yet he was relocated in another province. Is this a strategy of the BIR commissioner to let their good employees to resign with no other choice at all? Is this relocation program was approved by the office of the President? A lot of BIR employees were suffering now because of this very unreasonable act of the BIR commissioner. Please help this local employees. Thank you and more power. All the best ….
Sir, kailan po kaya mag reshaffle ang rtd?
sir,
Puwede po bang makahingi ng tulong kasi po gusto ko pong makapag-aral sa PMMA sana matulungan mo po ako makapasok.
Mr. President,
Magangdang araw po sainyo at sampu sa inyong tanggapan.
Sir nais ko lang po idulog sainyo ang napansin ko pong kakaiba sa tanggapang ng DSWD Region V office, lalo po sa departamento ng Targeting office.
Noong mag hire po sila ng mga enumerator para sa NHTS-PR ( National household Targeting System for Poverty Reduction)mapalad naman po akong nakapasok at naging parte ng team nila, mula po 2009 nung first enumeration po ayon po sa nilagdaan namin MOA which last only for 2 months, na ang sahod po namin ay per form o hafs(household assessment forms)hanggang din po ngayon. Subalit noong 2009 po halos kami pong 6 na EN’s sa team ni A.S Sheryl Gigante and A.S Divinagracia Bellen ay halos naka assess po kami ng tig 650 plus na hafs subalit noong sahuran na po ay nawalan po kami ng tig 60plus na hafs, kahit na nga po tinawag namin ang atensyon ng mga personahe nagumagawa ng cheke kasi kumpleto naman po namin na isubmit yung mga accomplished hafs sa aming area supervisor at sinubmit naman po nila sa area coordinator subalit ayon po sa area coordinator namin ay sa region office po nagkaproblema kasi iba daw po inicode ng regional field supervisor na si Mr. Gaspar Monreal sa output namin kaya sa madaling sabi po ay nawalan po kami ng halos tig 1800 bawat isa at hanggang po ngayon ay hindi na po namin yun nakuha gawa nga daw po na tapos na ang budgeting. subalit nito pong december 2010 ay nag karoon po uli ng enumeration, at nakasama po uli ako sa ibang team naman, sa ngayon po ay yung dati ko pong kateam nagkwento na yung sinahod nya daw po sobra dun sa total output na naassess nya, kasi po db po per form po ang bayad sa amin kaya yun lang po dapat ang babayaran sa amin, which is tama naman po kaya lang po nagtataka kami bakit sabi nila ang hirap daw po magpabudget sa DBM o jan sa central office subalit bakit po nangyayari na mapachekehan nila ng sobra ang sa ilang team na nalaman po namin, at take note po nung inicash na po yung cheke kasama daw po nila ang regional focal person at kinuha daw po ang sobra at ang binayad po dun sa dati kong kateam ay yung na assess nya lang, nung tinanong nya daw po san na mapupunta ang sobra na 5k sa bawat isang enumerator, bale 6 na EN po at 1 A.S ang 1 team, malinaw po na halos 30k po ang sobra sa cheke na naincash sabi daw po ibabalik jan sa central office? possible po ba yun? e yung cheke nakapangalan sa 1 en tapos na naincash na tapos maaari pa pong maibalik jan sa central office? nakapagtataka lang po kasi e kung yung sobra po sa pinasahod nila sa ilang team ay inilagay na nila sa mga TEV namin siguro po nakuha na namin ngayon, pati nga po yung sabi nila na load allowance na tig 100 sa smart o globe ay wala din po kaming nakuha. Nagtataka lang po kami bakit ganun kasi po nito lang na february ay nag enumerate po uli kami at sa tingin ko po mauulit po uli ito, kasi po ang sistema sa ngayon ay identified na po ang respondent at kung sino lang po ang ma assess namin yun lang po ang dapat na bayaran sa amin pero sa tingin po namin napapabudgettan na po nila kahit hindi naman po naassess ang iba. I mean halimabawa po sa isang lugar may pockets of poverty dun na 1000 respondent subalit ang maaassess lang po namin jan ay sabihin natin na 500 o 600 respondent kaya may malinaw po na 400 plus na kasama sa budget na kanino po mapupunta yung sobra? basta naging malinaw sa amin ngayon siguro nga totoo yung dagdag bawas na sa bibig din nila nanggaling nung sinabi nila sa training namin na bawal daw po, subalit it happened na nangyari sa aming team, na nwalan po kami ng tig 60plus na hafs at nito lang pong 2010 ay nangyari sa dati kong kateam na napasobrahan sila ng sahod subalit yung sobra kinuha para daw po ibalik sa central office?
Mr. President naniniwala po ako sa adhikain nyo na maalis ang mga corrupt sa gobyerno sana po mabigyan nyo din po ng atensyon itong 1 ahensya na sa tingin po namin ay may something na nangyayari. Maganda po ang adhikain nyo na ipagpatuloy ang nasimulan ni dating pangulo gma sa poverty alleviation ng ating bansa subalit sana hindi po ito maging dahilan para maging corrupt ang ilang personahe. ng ahensyang ito.
Sana po sa paraang ito ay makatulong din po ako na masupil yung mga taong gumagawa ng katiwalian kung meron man at maging magandang ehemplo para sa karamihan. sa lahat po ng ginagawa ko palagi ko pong isinasaisip na sa takdang panahon lahat po tayo haharap sa Puong Maykapal at magsusulit sa lahat ng ating ginawa at ginagawa. ang hangad ko lang po ay masugpo ang ganito gawain. Sana po this time sa pamumuno nyo ay mabago na po talaga ang bulok na sistema ng ating gobyerno. Hangad at panalangin ko po na sana sa administrasyon nyo ay matahak natin na landas ay ang diterso tungo sa pagbabagong hinahangad nating lahat.
Muli po ay ang pasasalamat ko sa Puong Maykapal na naopen ko po ang site nyo at panalangin ko po na sana ay mabigyan nyo ng panahon na karampatang aksyon ang naidulog ko po sainyo.
Muli maraming salamt po.
Lubos na gumagalang,
Danda Mampo
Hello Mr. President,
Magandang Hapon po. Mr. President, humihingi po kami nang tulo.Please lang po tulongan mo po ang papa ko sa kanyang retiremant Paper Order na ma Release po. Matagal na po kami nag hihintay sa retirement Order nang papa ko po.32year na po siya sa kanyang service sa AFP po..Maranming na tulong po ang papa ko sa AFP bakit gina ganyan po nila ang papa ko.he offer his whole life to serve our country. Hindi na man nila pera yon daba Mr. President. pinag hirapan na man nang papa ko yon sa kanyang pag serbesyo sa ating Basa. Hindi po Nila ni realse ang retirement Paper order nang papa ko po.Para maka retire po ang papa ko po.para makoha na po ang Pera nang papa ko po.Mahigit 2years na po kami nag hihitay sa retirement order paper sa papa ko po.Ang papa ko lang po ang nag hahanap buhay sa a mi familya po..nag habal2x driver po ang papa ko po. matanda na po ang papa ko po. kami nang kapatid ko po nag Stop na po kami sa pag-aaral dahil wala po kaming pera.pang bayad sa eskuwelahan po.gusto po na me mag kakapatid na maka pag-aaral kami ulit para ma tulongangan name po ang aming parents po.Ang mama ko po wala nalang trabaho at mga kapatid ko po. Mr. President kaayo po ang maka tutulong sa Aming setwasyon po.
Mr. President MAraming Salamat Po..GOD BLESS Po Mr. President.
Mahal naming Pangulo ng Republika ng Pilipinas,ako po ay nandito sa bansang Kingdom of Saudi Arabia.Isa po ako ama ng aming familya na deboto ng INA NG LAGING SAKLOLO sa lunsod ng Paranaque,Humihingi po ako tulong para sa aming mga deboto magkaroon ng kaayusan ,kalitasan para sa aming pagpunta sa Dambana ng INA NG LAGING SAKLOLO.ilang beses na rin po nadudukutan ang aking may bahay sa pagpunta sa simbahan ng baclaran kahit anong ingat at listo sa paligid sadyang talamak at mahusay ang mga nasa paligid ng simbahan,nung nakaraan lng po buwan muntik na mabingit sa disgrasya ang aking may bahay ng dahil sa holdap.kaya po labis po akong nangangamba d2 sa bansang pinagtatrabahuhan ko ang kaligtasan ng aking may bahay kapag nagsisimba po sya sa simbahan ng baclaran.Ang aking may bahay ay dumadalangin sa dambana ng INA NG LAGING SAKLOLO para sa kaligtasan ko dito sa bansang KSA at pati narin po ang mga deboto dito para sa kanilang mahal sa buhay,naalala ko po ang “saligang batas artikulo tatlo pahina bilang lima noong 1987>malayang pagpapahayag ng pananampalataya relihiyon at karapatan”
kami po ay hindi tutol sa pagpapaunlad ng lungsod ng paranaque dangan lang po bigyan po sana galang ang dambana ng mga deboto ang kaayusan at kaligtasan,Subalit po sa Ordinance #025 series 2011 na pinalabas ng lungsod ng paranaque ay lubos kaming mga nangamngamba sa pagkakaroon ng karagdagan puesto para sa mga vendor, talamak na mandurukot at “Wang Wang”ang pinapairal sa lugar na iyon.Ito po’y tuwiran pambabastos sa dambana ng INA NG LAGING SAKLOLO at pagsalungat sa “saligang batas artikulo tatlo pahina bilang lima noong 1987>malayang pagpapahayag ng pananampalataya relihiyon at karapatan”,nawa bigyan po sana pansin ang aming munting hiling para po sa kapanatagan loob nmin mga BAYANI NG BAYAN…Magkaroon po sana ng maayos at hindi po nakakaabala sa mga deboto ang aming kababayan sa kanilang paghahapbuhay upang may suporta sila sa knilang mga pamilya,dalangin po din nmin sa INA NG LAGING SAKLOLO ang knilang pamumuhay at ganun din po sa inyo mahal nmin Pangulo ang kagandahan ng kalusugan ay sumainyo lagi…Lubos po kaming nagpapasalamat sapu ng amin kababayan dito sa bansa Saudi Arabia at umaasa pong magkaroon tugong ang aming simpling hiling at dalangin,..AMEN
God bless po mahal nmin pangulo ng Pilipinas
Magandang Gabi po Mr. President, gusto ko lang po sana humingi ng tulong kasi po halos tatlong buwan na pong hindi nasasahudan ang mga RNHEALS sa MAGUINDANAO. Salamat po..
Good Day po Mr. President…Gusto ko pa sanang humingi ng tulong dahil ang aking ama ay ksalukuyan pong nasa hospital ngayon..na stroke po sya, tapos comatose na…malaking bagay po kung saka-sakaling matulungan nyo po kami..Salamat po..